Davao Quiz Show


Its Kadayawan time, let's test your knowledge on some Davao trivia. Welcome to the Davao Quiz Show




1. Quizmaster: Ang Ilustre ay isang kalye na matatagpuan sa Davao. Ito ay hango sa pangalan ng isang Tao, ang tanong, Ano ang unang pangalan ni Ilustre?


Contestant 1: Felcris, Felcris Ilustre!

---------------

2. Quizmaster: Ang gugulo nyo magsagot ha. ok let's go to Davao history, Sinong Datu ang nakalaban ni Don Jose Uyanguren nang sinalakay niya ang Davao nung 1849?

Contestant 2: Datu Complex


------------
3. Quizmaster: Eto ay kaisa-isang triple A resort sa Samal island, dinadayo eto ng mga turista, anong pangalan ng resort na eto?

Contestant 1: Paradise

Constestant 2: Blue Jazzz

Quizmaster: hay nako, clue ang last word niya ay FARM, ____ FARM

Contestant1: Gap Farm!!!

Quizmaster: ano ba? nasa Samal siya!!!

Contestant2: Samal Gap Farm
--------------------
4. Quizmaster: Sa Davao food category naman tayo. Eto ay isang sikat na restaurant sa Davao, paborito ng mga old timers, nagsisimula sa letrang H. Ah basta maraming masasarap dito....

contestant 1: Hotlegs
----------------
5. Quizmaster: Eto tiyak masasagot niyo. Kung gusto nyo magshopping sa Davao, dito kayo Because "We've got it all For you."

Contestant 1: Lachmi
--------------
6. Quizmaster: Kapag gusto mong mag-shopping ng batik at malong pupunta ka dito. Sikat to sa Davao, isa na siyang landmark

contestant2: Gaisano Mall

Quizmaster: Mali. clue malapit to sa marco polo hotel, nagsisimula sa letrang A

contestant1: Ateneo!

Quizmaster: grrrr, hindi siya school, marami siyang tindahan!!! nagsisimula sa letrang A.

contestant2: ah.. Abreeza!

Quizmaster: Maliit ng konti sa Abreeza

contestant1: Ace Hardware!
-----------------------------
7. Quizmaster: Etong statue na ito ay naging controversial nang itinayo siya ng Queensland sa matina baywalk. Anong pangalan ng estatuwa na hango sa obra ni Michaelangelo?

contestant1: Statue of Liberty!

Quizmaster: Mali. Isa siyang tao, starts with a letter D, nakilala siya bilang magaling na lider. eto ay ang Statue of...

contestant2: Statue of Digong!

Quizmaster: Ali ra gud diri sir, ali ra gud.
------------------------
8. Quizmaster: Kompletohin ang campaign slogan ni former Speaker Prospero Nograles "Change we Need....."

Candidate1: "keep the change"

Quizmaster: wrong!

Candidate2: "Change we need, We have the best."

Quizmaster: Pinaghalo mo naman. Eto ha, Kapag gusto mo nang pagbabago ikaw ay dapat mag....

Candidate1: mag-a-abroad sir!
----------------------
9. Quizmaster: Si Happy L.A ay isang sikat na radio DJ sa Davao nung dekada otsenta, kilala rin siya sa public service dahil nagsilbi siyang councilor ng maraming taon. Ano ang L.A. sa Happy L.A.? pangalan siya ng isang tao.

Contestant 2: Lord Anthony.
-----------------------
10. Quizmaster: Nung dekada 90 eto ang paboritong pasyalan ng mga taga Davao dahil nag-iisa lamang siya sa siyudad. Maririnig mo sa commercial jingle niya ang linyang "____ ____ the PLAZA FOR ALL"

Contestant1: Plaza Roman!!!
---------------------
11. Quizmaster: Si Tony Tan Caktiong na tubong Dabaw ay nagtayo ng isang fastfood chain. Eto ngayon ang pinakamalaki sa bansa.Ano ang ang itinayo ni Mr. Caktiong?

contestant1: Colasas

Quizmaster: hindi siya ihaw-ihaw. isa siyang western-style fast-food.

contestant2: Shakeys!

Quizmaster: sikat siya dahil sa kanyang mga burgers!

contestant1: Shakeys and Patties?

Quizmaster: mali. Nagsisimula sa letrang J.

contestant2: Jacks Ridge!

Quizmaster: grrr. maski saan makikita mo ang tindahan niya

contestant1: Taps?
------------------------
12. Quizmaster: Ang Bolton Street at Bolton Bridge ay ipinangalan sa dating American military governor ng Davao. Ano ang first name ni Bolton?

Contestant1: Michael... Michael Bolton

Quizmaster: mali. hindi siya singer, isa siyang sundalo

Constestant2: Sgt. Michael Bolton?

Quizmaster: mali na naman kayo. eto clue.ang dali-dali na neto. siya ang iniibig ni Bella.

Contestant1: Jacob.

Quizmaster: Yung nakaaway ni Jacob?

Contestant2: bampira!
------------------
13. Quizmaster: Isang oil company na tinayo sa Davao, makikita mo ang mga gas stations ng kompanya  saan mang sulok ng Mindanao. Nagsisimula sa letrang P

contestant2: Petron!!

Quizmaster: eto pagbibigyan ko kayo, clue ang last two letters niya ay i at X

contestant1:  Petronix!!

-----------------------

14. Quizmaster: Eto medyo mahirap na tanong, pagbutihan niyo. Nung 1991 hindi idinaos ang Mutya ng Dabaw dahil sa pandaigdig na crisis. At sa unang pagkakataon nanungkulan ang isang Mutya ng Dabaw ng dalawang taon. Sino ang Mutya ng Dabaw nung 1990 at 1991?



contestant1: MJ Lastimosa
Quizmaster: ang initials niya ay E.M.
contestant2: Emelda Marcos!
-----------------


15. Quizmaster: Isa siyang kilalang musikero na tubong Dabaw. Naging sikat ang mga kanta niyang "Karaniwang Tao" at "Walang Hanggang Paalam" ang initials niya ay J.A.
contestant2: Joey Albert
Quizmaster: Lalake siya
contestant1: Mr. Joey Albert!
--------------
16. Quizmaster: Isang bulaklak na natatangi ang ganda, makikita lamang siya sa kagubatan ng Davao. Ano ito?
contestant1: Gumamela!
Quizmaster: Mas maganda pa sa gumamela, starts with the letter W
contestant2: Water Lily
Quizmaster: sikat na sikat etong bulaklak na eto. binibili siya
contestant1: White Flower!
-----------
17. Quizmaster: Ito ay sikat na tindahan sa Davao Chinatown, kompleto siya sa mga bilihin at murang-mura pa, kaya dinadagsa siya ng mga tao. Para makasagot naman kayo, ang pangalan ng tindahan ay may apat na letra, ibibigay ko ang unang dalawa. eto ay D.C., DC_ _
contestant1: DCWD!
Quizmaster: diyos ko! hindi po siya water district
contestant2: DCPO!
Quizmaster: Hindi police station ang hinahanap ko. Eto clue- Isa siyang lungsod sa America
contestant1: Washington D.C.
---------------
18. Quizmaster: Nuong unang panahon, kilala sila sa tribal wars at human sacrifices, isa sila sa mga indigenous people o lumad ng Davao City, nagsisimula sa letter B

contestant1: Bahala na Gang

Quizmaster: ahh Taga Davao sila

contestant2: Bankerohan Boys

Quizmaster: Hindi sila gang, Mababait sila na tao

contestant1: Boy Scout!

-----------------

19. Quizmaster: Ang pagamit neto sa publikong lugar ang ang pinagbabawal nang Anti-Smoking Ordinance of Davao City. Nagsisimula sa letter C.

buzzzz

contestant 1: condom!!!

----------------

20. Quizmaster: Eto siguro ang pinakasikat na produkto ng Davao. Sa amoy pa lang kilalang-kilala na. Umaapaw ang supply neto tuwing Kadayawan Festival. It starts with the letter D.

contestant 2: Droga!!
---------------
21. Quizmaster: syaro! ito ang pambansang ibon ng Pilipinas, makikita sa Malagos
contestant1: Maya!
Quizmaster: mas malaki pa sa Maya
contestant2: manok!
Quizmaster: wrong... inaalagaan siya ng gobyerno dahil malapit na itong maubos
contestant1: lechong manok
--------------



* ANSWERS


1. Vicente Ilustre
2. Datu Bago
3. Pearl Farm
4. Harana
5. SM
6. Aldevinco
7. Statue of David
8. "Change we need, Change we must."
9. Leonardo Avila
10. Victoria Plaza
11. Jollibee
12. Lt. Edward Bolton
13. Phoenix
14. Erlinda Mejia
15. Joey Ayala

16. Waling-Waling

17. DCLA

18. Bagobo

19. Cigarette

20. Durian

21. Philippine Eagle

Comments

  1. dapat may ganito every club 888! ;)

    ReplyDelete
  2. number 19 answer kay epic hhahahha

    ReplyDelete
  3. nabuang kog katawa!! ^__^ kanus-a ang show ani?? hehehe!

    ReplyDelete
  4. Hahahaha.. kalingaw! cge ra ko'g katawa! LOL! :D _r",)

    ReplyDelete
  5. idol ang #6 ug #7.

    "Ali ra gud diri sir, ali ra gud."

    ahahaha! :))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts